Kaibigan sa America!

Naisip ko lang... noong punta kasi namin dito sa America, lima kami, at madami kami galing sa isang agency. 

Since bagong salta sa ibang bansa, kami kami na din ang naging magkakaibigan.. instant friendship nga.. isang connection lang, ang agency..

Ang galing talaga mag adapt ng mga pinoy, iba level pag makipag ugnayan (tagalog na tagalog hehe);

kasi minsan ung boss ko dito sabi, magkakilala na ba kayo sa pinas, tanong nya sa akin tungkol sa bagong guro na galing sa ibang state na kakahire lang, sabi ko, hindi, now ko lang na meet hehe.. 

parang ang dating kasi palagi e matagal na kakilala... o siguro ako lang un hahaha...

Aba, nung Kinder ako na awardan ako na Most Friendly, hahaha... siguro ang daldal ko na noon pa man (mmmm, hanggang now pa din naman) hahahaha

So balik sa kwento, ayun kasi ung mga mapipili mong maging kaibigan dito sa America, sila na kasi ung tatayong pamilya mo e... kasi kayo kayo lang dito, wala ang mga tunay na kapamilya at kamag anak...

Dito pag sa trabaho, kahalubilo ko mga ibang lahi, since hindi na ako nagtuturo ngayon, mas madami na tao ang nakakasalamuha ko pero hanggang trabaho lang. 

Pag sa bahay na at weekends, mga pinoy na ulit mga kahalubilo, nakakangarag kasi na ibang lahi pa din.. parang nosebleed na.. hirap kaya mag translate ng ikwukwento sa English! hahaha

Bottomline:

Let's all cherish our friends, wherever we are.
Friends will come and go.
They will always have something to teach, they will always have something that we could learn from.
We may have good or bad experiences with them, we may even need to let them go to their own good or decide to choose to stick with the ones we are most comfortable with, but nonetheless, they have served their purpose or let us allow them to do so.
One day we will just realize that it was all for a reason.

Kakatuwa mga nagi naming kaibigan na hanggang ngayon limang taon na mula unang dating namin dito sa bansa na ito...  ay kaibigan pa din.. may kanya kanya lang buhay, kanya kanyang priorities, kanya kanyang preferences.. pero kaibigan pa din.

Dito sa America, hindi lang kayo basta kaibigan, salamat sa pagiging kapamilya.

visit me here too!

Comments

  1. through thick and thin na nga tayo e. :)always trying to get together basta may chance. :) -wellatot

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga from sardinas at boiled egg... to same pa din plus ice cream hehe

      Delete
  2. Gandang Teacher Gemma, nakakatouched naman ang blog mo today. ( hayyyyyyyyyyyyy) na recall ko tuloy sa dami kong nakasalamuha at masasabing kaibigan pero iilan lang sa kanila ang naging tunay hehehehe..... sabi nga malayo man o wala ng balita sa isa't isa ang kaibigan ay kaibigan. Salamat pala kasi kaibigan mo ako ha( sigh) cge na mag walking nalang at magpicture taking lagi tayo kasi who knows pagdating ng panahon may mga alaala mo kaya hehehehe.... ( emoterang melcah hahahaha... )

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha, tunay man daw o fake e kaibigan pa din! oks na un! God's gift lahat! true! iba ang power ng walking, lalo pa't may kasamang tawanan! mas enjoy! - thanks for commenting! :))

      Delete
  3. Sarap po talaga ng may Kaibigan..
    Na alala ko tuluy mga Bff's ko dahil sa post nyo... :)

    ReplyDelete
  4. Nakakatulong talaga na may mga kapwa kang Pinoy na kasama sa ibang bansa. Nakakaalis sigurado yan ng konting lungkot kahit papaano. May mga kaibigan na kasi akong OFW din, and pansin ko na ang mga barkada nila ngayon eh puros Pinoy rin. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sha nga po pala, san na po kayo naka-destino ngayon -- sang parte na ng America? :)

      Delete
  5. sarap basahin ng blog u teacher Gem:) u found a friend and family paraqng nasa Pinas lang kayo:)

    ReplyDelete
  6. This post is quite touching. So true nga na 'pag nasa ibang lugar o sitwasyon, yung mga kalahi natin ang magiging kadikit natin.. :) Anyway, I love the last line. Dapat nga lang, kahit wala sa ibang bansa at nandito lang sa Pinas, ituring nating kapamilya ang mga kaibigan natin.. ^^

    ReplyDelete
  7. Mabuti naman at nakakahanap pa din ng mga totoo at mabubuting kaibigan sa panahon ngayon. I love my new friends but cherish the old ones. Mas masaya at magaan ang buhay kung may mga kaibigan~

    ReplyDelete
  8. Sme here ,nung mgatrabaho ao ng Qatar, marmai kaming sabay sabay ,8 yata at may isang lalaki ,instant friendship din kaso nung matgal minsa na lang kami nagkikita kasi iba ibang department kami at iba ibang duty pero andun pa rin ang friendship

    ReplyDelete
  9. Aw, para kong nanood ng maikling scene sa movie na mabilis ang phasing ng mga eksena - from work to bahay. Haha. Salamat naman at kahit papano nakakapagtagalog naman pag weekends. Pachek mo na po siguro yung ilong dahil madalas kayong nosebleed jan eh. ;) Nag-enjoy ako magbasa dito.

    Dalaw din po kayo bahay ko. Katagalugan din ang peg

    www.athomeakodito.blogspot.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehhee first time to write nga sa tagalog.. katuwa!
      hahaha nose bleed!!! hahaha

      Delete
  10. pinoys are really sociable but most importantly we love our own race... kaya nga there's so many filipino communities all over the world... because no matter how far filipinos go... they still leave their hearts in the philippines... kaya they join those communities.. to cherish where their heart is

    ReplyDelete
  11. Marami din akong mga kaibigan dito sa Thailand. Pare-parehong kuwento kaya naging click agad. Nakakasad lang na kahit anong pilit mong i please lahat para manging kaibigan sila --- may mga pinoy na iba ang ugali. Mas pipiliin nilang tingnan kung ano ang pangit sa iyo at yun ang gagawin nilang dahilan para iwasan ka. Sa bandang huli --- may mga kaibigan na handa namn dumamay at tumanggap sa kung sino at ano ka --- SILA ANG MGA TUNAY NA KAIBIGAN.

    ReplyDelete
  12. i think it is in Filipinos' nature to be friendly.. agree, friendship is something we must cherish forever :)

    ReplyDelete
  13. Wala talagang papantay sa pagkakaibigan ng mga Pinoy saan man sa mundo. ^_^

    ReplyDelete
  14. we will always find friends wherever we go :)

    ReplyDelete
  15. Friends will come and go -- TRUE!

    But close friends provide the best companionship IMHO

    ReplyDelete
  16. FRIENDS for keeps. Very few will we say it to our long list of friends and just a handful will reciprocate it. Just be true and you will never ran out of true friends :)

    ReplyDelete
  17. I agree...pag nasa ibang bansa ang mga pinoy kahit d magkakilala dati eh parang ang tagal ng magkakaibigan--- which is nice naman iba talaga ang pinoy

    ReplyDelete
  18. Agree ako na dapat makipagkaibigan lalo na pag nasa malayong lugar ka. Pero minsan yan mismong bagong kaibigan mo tra traydor sayo ingat lang. Nangyari yan sa ilan kakilala ko. Nakakalungkot pero yun ang nangyayari sa tutoong buhay.

    ReplyDelete
  19. recently my best friend who is living in texas had a big problem and I got a bit sad cuase we were not there to comfort her. it's always better if you have friends na kababayan mo din.

    ReplyDelete
  20. It's true. Friends are our chosen family :-)

    ReplyDelete
  21. Mahilig din akong makipagkaibigan. Noong high school ako at naging uso ang MIRC, lagi akong nakikipag-usap sa mga tao na taga-ibang bansa. Yung iba, kaibigan ko pa rin hanggang ngayon. Ngunit tama ka, iba talaga pag kababayan mo ang kaibigan mo. Kapag pareho ang kultura, maraming mga bagay kung saan kayo pwedeng maka-relate :)

    ReplyDelete
  22. Iba talaga ang samahan ng mga Pinoy. Parang lahat magkamag-anak.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Saving Money Through Weekly Coupons!

I do what I do

Learning Life's Lessons!